Action and Words

Action is more powerful than words but action without words is confusing..

Advertisements

Pakpak ng Ibong Sawi

Sa oras na paghiwalayin ang
dalawang kamay
kasabay ng pagpagaspas ng pakpak
Ng pinakamamahal na ibon sa lahat
Ay ang pagbitaw sa sakit na nararamdaman
Sa pag-aakalang matatapos ang lahat
Sa paggalaw ng pakpak
Ngunit isang hakbang para makalimot.
Dali-dali rin naglaho’t naudlot
Dahil sa isang iglap
Bumalik ang ibon
kasama ang sakit at poot
Na pilit nalilimot..

Minsan

Minsan oo

Minsan hindi

Minsan tama

Minsan mali

Minsan masaya

Minsan malungkot

Minsan nagkakaintindihan

Minsan nagkakasawaan

Minsan nababagot

Minsan nayayamot

Minsan iniwan

Minsan tinalikuran

At minsan hindi na nagkabalikan.